Kung may dapat mang panagutin, hindi ang mga estudyanteng piniling umiwas, kundi ang sistemang paulit-ulit na nabigong protektahan at palakasin ang kanilang loob. 

Sapagkat ano ang silbi ng isang pamantasang nagluluwal ng mga “graduates with advance knowledge and lifelong learning skills” kung ang mga ito’y hindi hinuhubog upang manindigan, maging mapanuri, at handang makialam sa lipunang kanilang ginagalawan.

Ang tunay na krisis ay hindi kawalan ng lider, kundi ang sistematikong pagpigil sa pag-usbong nito.